Deepfreeze alternative: Shadow Defender

I've been using Deep freeze both for personal(testing) and customer used. In the Internet cafe my friend and I manages, currently their using Deep freeze to protect their computers from all sorts of virus / malware / spyware and etc problems. There were few setbacks on Deep freeze but it proves it effectiveness in day to day used. Problems encountered at times were: it's not image cloning friendly. Crashes or prone to cmos resetting problem. [Read More..]

Come, play and Join the Battle at BATTLEDAWN

Tuesday, February 16, 2010

Digmaan

Alas otso ng gabi.

Pebrero 17, 2010 ang petsang nilagay ni Dr. Kristof Avescus sa sinusulatang papel. Ito ay kanyang itinupi ng matapos . Binuksan niya ang drawer ng mesa. Tiningnan ang nasa loob at kinuha ito.

Samantala, sa mga oras na yon ay nasa sala ang matalik na kaibigang doktor na si Dra. Lea Seque, na naghahanda ng alak na maiinom para ipagdiwang nila ang napipintong pagtatapos ng pitong taung pinaghihirapang proyekto.

"Kris, punta ka na dito sa sala, iinum at mag-enjoy tayo ngayong gabi", tawag ni Dra. Lea.

Hindi sumagot si Dr. Aviscus kaya pinuntahan niya ito sa laboratoryo. Hawak-hawak pa niya ang dalawang basong inumin. Pagdating niya sa bukas na pintuan ng opisina ni Dr. Aviscus, ay nagulat siya sa kanyang nadatnan at di namalayang nabitawan ang mga hinahawakang alak. Nakatingin sa kanya ang kaibigan habang nakatutok sa sariling ulo ang baril. Tumutulo pa ang luha nito at bahagyang mgumiti sabay kalabit ng gatilyo. Habang kumakalat ang dugo nito sa puting dingding ay gayun din ang pag-alingawngaw ng sigaw ni Dr. Lea. Dahan-dahang natumba ang wala ng buhay na katawan ni Dr. Avescus at kasabay nun ang paglapag ng kanyang suicide note sa sahig. Tulala si Dra. Lea at hindi sya makapaniwala sa nasaksihan.



Sampung taun ang lumipas. 

Nakatayo sa labas ng isang silid ang isang babaeng hanggang balikat ang tuwid na buhok. Kulay light-brown ang mata, matangos ang ilong, malinis at artistahin ang mukha. Katamtaman ang taas at balingkinitan ang katawan. Sa likod ng damit niya ay nakaimprinta ang mga salitang "MAJ. E. Randell". Hawak niya sa kaliwang kamay ang pinamiling grocery at prutas. Huminga siya ng malalim, ipinasok ang susi sa doorknob at dahan-dahang pinaikot ito.



Hyatt Millard Hotel, isa sa pinakasikat at malapalasyong gusali sa lungsod ng Maynila. 200 ang palapag nito at mahahalintulad ito sa isang luxury ship. Bukod sa may iba't ibang laki at sari-saring desinyo ang mga paupahang kuwarto, ay meron itong tanyag na casino na katulad ng nasa Las Vegas. Parang resort din ang swimming pool nito na me ibat-ibang hugis, lalim at kulay para sa mga bata, matatanda, me asawa o wala. Karamihan sa mga pumupunta at nangungupahan dito ay mga mayayaman, sikat at mga kilalang tao. Katulad na lamang ni Dr. Allen Thomas. Isang magaling na nanotechnologist ng bansa. Siya ang nagdesinyo at nag-imbento ng security system ng hotel. Bukod sa napakaraming highly-trained hotel guard, ang security system nito ay walang katulad. Ni isang krimen ay wala pang nangyari nito.

Maliban ngayon.

"Pare, kanina pa sa rest room yung isa natin kasama ah?  Siguro nasira na naman ang tiyan, ang siba kasi sa libreng pagkain" mungkahe ng isang bantay, sabay tawa naman ng tatlo. 

Nagbabantay sila sa labas ng silid kung saan nakaukit sa pintuan nito ang pangalang "Dr. A. Thomas". Maya't-maya pa ay dumating na ang kanina pa nilang kinukutyang kasama. Agad itong pumuwesto sa gitna nila. Sa palapag na yon ay maraming nakatagong surveillance camera, isa sa kanila ay nakatutok mismo sa pintuan ng silid na binabantayan ng lima. Bantayadong masyado ang buong hotel, lalo na ang sikat na doktor.

Sa loob naman ng silid ay tahimik na nag-iisip habang umiinom ng burgundy red wine si Dr. Thomas.

"Malamang ako ang isusunod nila" bulong sa sarili. "Pero di nila kayang pasukin ang gusaling ito. Perpekto ang pagkagawa ko sa AISS1 at malaki ang tiwala ko sa NTSA2. Ni minsan ay di nila ako pinabayaan."


1AISS - Artificial Intelligence Security System
2NTSA - National Technological Security Agency


Habang kinakalma niya ang sarili ay napansin niyang kumislap ang lamp shade sa mesa. Kasunod nun ay puting usok na unti-unting namuo sa ibabaw nito. Biglang me lumabas na animo'y latigo na pumulupot sa kanya at bigla siyang kinuryente.

Sunog at patay na ang doktor nang bitawan siya ng maskaradong salarin, na ngayon ay nakatungtong sa mesa. Dahan-dahang sumingaw hanggang mawala na ng tuluyan ang usok. Lumalatay sa buong katawan ng salarin ang kuryente. Tiningnan niya ang paligid na animo'y me hinahanap. Tumatagos ang kanyang paningin sa mga dingding ng silid. Nakita pa niya ang limangwalang kamuwang-muwang na bantay sa labas. Nang napagtantong wala dito ang kailangan ay bigla itong naglaho katulad ng kanyang pagdating.

"Pare umiilaw ng dilaw ang relos mo. Ang gara ah" puna ng isang bantay sa kasama na nakapwesto sa gitna.

Ngumiti ang sinabihang kasama sabay biglang lumabas ang mahahaba at matutulis nitong galamay. Tinusok ang bawat bantay sa ulo. Sa isang atake lang patay agad ang apat. Nilingon niya ang pinakamalapit na surveillance camera at tila'y nag-anyaya pa na habulin siya ng ibang bantay na nasa likod ng monitor. Kalmado siyang tumungo sa comfort room. Na-alarma ang security ng hotel at nagmadaling pinuntahan ang silid ng doktor. Yung iba ay hinabol ang bantay na salarin. Nakapwesto na ang mga armadong bantay sa labas ng comfort room. Huminga ng malalim ang bantay na malapit sa pinto, nagbigay ito ng hudyat at unti-unting pinaikot ang doorknob para sila'y makapasok.



Pagkapasok ni MAJ Eileen Randell sa silid ay tinungo agad ang repridyeretor. Inayus niya ang mga pinamili. Medyo madilim pa sa loob kaya lumapit siya sa bintana at binuksan ang kurtina nito. Unti-unting pumasok ang sikat ng araw. Sa kanyang paglingon ay naaninag niya ang dahan-dahang paglatay ng liwanag sa katawan ng kanyang ina, na kasalukuyang nakaupo sa may gilid ng kanyang higaan. Ang dating aktibo, malusug at masayahing Dra. Lea Seque ay isa na ngayun pasyente sa isang tanyag na Psychiatric Hospital. Hanggang ngayon ay tulala pa rin at di makapagsalita. Kinausap ni Eileen ang ina.

"Ma, kamusta ka na ngayun? Meron akong dalang mga masasarap na prutas. Alam mo Ma, na-promote na naman ako, isa na namang medalya at karangalan ang aking natanggap mula sa Presidente ng Pilipinas. Hangang-Hangga sila sa katapangan ko't galing. Hindi nila alam kung paano ko pinapatatag ang aking sarili. At sa bawat bala na mailagan ko o tumama sa akin ay palagi kong pinapanalangin na bigyan pa ako ng isa pang pagkakataun na makita ka at ma-i-kwento sa iyo ang araw-araw kung buhay at karanasan. Ma, patatagin niyo pa ang sarili niyo upang madali kayong gumaling. Huwag po kayong mawalan ng pag-asa at tandaan niyo pong nandito ako palagi, lumalaban at naghihintay sa muli mong pagbabalik. "

Pinahiran ni MAJ Randell ang kanyang luha at sinagot ang kanina pang nagri-ring niyang military mobile communicator.

"Ma, aalis muna ako. Mahal na mahal kita Ma." Hinalikan niya ang nuo ng ina, mahigpit na hinagkan at umalis na.

Isang intelligence report ang natanggap ng Philippine Army. Isa na namang sikat na Scientist ang pinatay sa kanyang silid sa isang malaking Hotel. Patay din ang limang bodyguard nito. Ito'y ika-apat nang insidente ng pamamaslang o assasinasyon sa loob lamang ng isang taun. At ito ngayon ang pupuntahan at i-imbestigahan ni MAJ Randell.

Dumating si MAJ Randell sa labas ng Hotel kung saan namatay ang scientist banda alas otso nga umaga. Lulan siya ng kanyang XGR Suit. Sa taong ito ay advance na ang teknolohiya ng militar. Di na kailangan ang luma't mabagal na sasakyan dahil mas mabilis na ang transportasyon. Mas ginagamit na ngayon ang ere sa paglalakbay kaysa sa lupa. Ang machine Suit ay isa sa mga denisenyo at ginawa ng WARTECH, Inc., ang nangungunang Weapons and Advanced Technology manufacturer ng bansa. Gamit ang XGR(Extreme Gravity Repeller) Suit ay kaya nang lumipad ng isang tao kasing bilis ng unmanned X-43 plane. Kaya rin niyang  magteleport sa malapitang distansya o lokasyon halimbawa sa loob o palapag ng isang building.

Sa labas pa lang ng building ay calculated na ng XGR suit ni MAJ Randell kung saang floor at gaano kalayo sa kasalukuyang posisyon niya ang pinangyarihan ng krimen. Sa tatlong segundo lamang ay nasa 105 na palapag na sya, sa labas ng silid ng namatay na scientist. Binati at sinaludohan siya ng mga kasamahan.

"MAJ mabuti naman at agad kang nakapunta dito." pagbati ni Mayor Uno. "Halika't ipapakilala kita sa mga tauhan ko. Ito si Senior Supt. Mike Lauren & Lead Investigator Joseph Ong. Sila ang makakasama mong hahawak sa kaso."

"Ikinagalak ko kayong makatrabaho. At asahan niyo ang aking buong kooperasyon upang madaling maresolba ang kasong ito" sabi ni MAJ Randell sa dalawang kasama.

"Gayun din sa kami, MAJ" nakangiting sagot ni Supt. Lauren.

"Matagal na kami sa kasong ito, MAJ. At sana sa pagdating mo ay di na madagdagan pa ang bilang ng mga patay na doktor" mungkahe ni Lead Investigator Ong.

"Kung gayun puro doktor ang nauna nang tatlong namatay?" tanong ni MAJ Randell.

"Puro sikat na doktor ang target ng di pa nakikilala at tila palos na mga salarin" banggit ni Mayor Uno.

Tiningnan ni MAJ Randell ang mga abalang sundalo, pulis at hotel guards.

"Kamusta ang nakuhang video ng hotel? Meron na bang lead kung sino o ano ang pumatay sa doktor at mga bodyguard nito?" tanong ni MAJ Randell kay Supt. Lauren.

"Ang nakita naming pumatay sa apat na bantay ay ang isa sa kasama nila. Pero alam naming iyon ay paglilinlang lamang at isa lamang siya sa mga biktima. Ang mga bantay ay pinataygamit ang mahahaba't matutulis na animo'y galamay. Ito'y gawa sa di pa kumpirmadong klase ng metal. Mabilis ang pag-atake ng salarin at lahat ng tama ay nasa ulo. Ang salarin ay me kakayahang kopyahin ang sino man. Napag-alaman din naming me kasama siya at iyon ang tumira sa doktor. Iba kasi ang estilo ng pagpatay sa doktor. At bago pinatay ang mga bantay, ay nakatanggap ng hudyat ang pekeng bantay, na patay na ang doktor sa loob, at yun ang pag-ilaw ng dilaw ng relos niya." paliwanag ni Supt. Lauren.

Pumasok silang tatlo sa silid ni Dr. Thomas habang si Mayor Uno naman ay nakatanggap ng tawag mula sa kanyang opisina at nagdesisyong umalis sa hotel. Nag-ikot si MAJ Randell at napansin na walang ni isang surveillance camera sa loob ng silid.

"Napakaprebado naman pala ng kuwartong ito." bulong niya sa sarili. "Lahat ba ng kuwarto sa hotel na ito ay walang bantay na kamera?" tanong ni MAJ Randell sa pinakamalapit na bantay.

"Lahat po meron maliban dito," sagot ng bantay.

"Kailangan nating puntahan at kunsultahin ang NTSA tungkol dito. Malamang may makukuha tayong impormasyon bago namatay si Dr. Thomas at mga bodyguard nito. Magkita na lang tayo sa lobby ng hotel," mungkahe ni MAJ Randell kay Lead Investigator Ong.

"A.. e .. Cge mabilis naman ang elevator dito," gulat na sagot ni Lead Investigator Ong.

Ang mga sundalo lamang ang nakasuot na XGR suit. Sila lamang ang bukod-tanging lisensyadong makakagamit nito.

"Ako na ang bahala dito at kokontakin ko kayo kaagad pag meron pang importanteng lead akong makuha," sabi ni Supt. Lauren sa dalawa.

At bago pa makapagsalita muli si Lead Invigator Ong ay nawala na si MAJ. Randell.

"Sige alis na ko tsep. Ayaw ko naman pahintayin ng matagal si MAJ. Randell," sabay sipol at pasok sa elevator.

"Saan po ang destinasyon ninyo?" tanong ng computerized-elevator kay Lead Investigator Ong.

"Main lobby," ang sagot nya.





Sabay ng pagsara ng pintuan ng elevator ay gayundin ang pagbukas ng bintana ng isang lumang Simbahan limang daan milya mula sa Hyatt hotel.  Tumambad ang napakaganda at mala-asul na malawak na dagat.  Mahalimuyak at malamig ang hangin nitong dala.  Sa isang iglap ang poot na nadarama'y mawawalang bigla at napapalitan ng kalmadong puso't isipan.  Ito ang parating ginagawa ni Isaac pagkatapos ng kanyang madugong trabaho.  Trabahong parang buong buhay na niyang ginagawa.

Malalim ang kanyang iniisip.  Kasing lalim ng dagat na kanyang tinatanaw.
Nakangiti sya habang hawak-hawak ang nakuhang dokumento sa Hyatt Hotel International Safety Bank.  Sa isip nya'y isa parti lamang ito sa napakaraming palaisipan ng kanyang misyon.  Malayo pa kakahantungan ng mapanganib na trabaho niya.  At sa huli malalaman niya rin ang katotohanan sa likod pagkamatay ng kanyang ama.


"Narating nyo na po ang main lobby, pwede na po kayong lumabas.  Maraming salamat at magandang hapon po sa iyo", sabi ng electronic voice kay Lead Investigator Ong.

Sampung segundo lamang inabot mula 105th floor papuntang main lobby gamit ang elevator.  Sa loob ng sampung segundo ding yun ay aakalain mong wala mapagtanungang importanteng tao ng hotel si MAJ. Randell. Swerte na lang at nariyan lang sa tabi-tabi ang Manager ng Hyatt International Safety Bank.

Kausap niya ang Manager ng lumapit sa kanila si Lead Investigator Ong.

"Marami na ba akong nakaligtagtaang impormasyon?", nakangiti nitong mungkahe kay MAJ. Randell.

"Merong nakuhang video footage ang security system ng bangko na merong nanloob sa napakaprotektadong pinagtataguan ng importanteng bagay na pag-aari ng biktimang doktor sa itaas.  At sa palagay ko'y kasama ito ng salarin.  Ang bagay na ito na ang doktor lamang ang nakakaalam." paglalahad ni MAJ. Randell kay Lead Investigator Ong.             

Pumunta sila sa loob ng bangko at tiningnan ang nakuhang surveillance footage.

Ang vault ng bangko ay napakalaki at maraming safety box. Pero ang lalagyan na nilooban ay nasa tagong lugar. Ang nakakaalam lang dito ay ang napatay na doktor, ang manager ng bangko at ang nagdisenyo dito. Para mapasok mo ito ay kailangan mo ang isang microchip na nakaimplant sa utok ng doktor. Para mabasa ng vault scanner yung microchip ay kailangan maiscan ang mata ng doktor. Pagkatapos nun ay bubukas ang isang pintuan sa sahig ng vault. Doon dadaan ang doktor papunta sa kanyang personal at prebadong kuwarto na lalagyan ng kanyang importanting gamit.

Ikinumpara nina Maj. Randell at Investigator Ong ang isang regular na araw ng pagbisita ng doktor sa bangko sa video footage na nakuha ng bangko habang ang krimen sa labas at loob ng kuwarto ng doktor ay nangyayari.

Makikita sa video footage na sa mga oras na iyon ay merong pumasok na empleyado ng bangko kasama ang isang security officer sa vault. Pagkatapos nilang nailagay sa isang safety box ang malaking bag ng pera ay lumabas na silang dalawa.

Ilang minuto lang ay umandar ng kosa ang eye scanner tapos bumukas na ang pintuan sa sahig at pagkasara nitoay bumukas ulit ang vault at merong pumasok na empleyado kasama ang isa kustomer. Gumamit din sila ng eye scanner.

Sa secured box ng doktor ay merong nagbukas dito at kinuha ang laman nito. Pagkasara nito ay wala ng anomalya na nangyari.

Walang record ang bangko na pumasok doktor ng mga oras na iyon. Kahit ang pagscan ng mata niya ay walang bakas sa system nila. Maliban sa video footage na ito.
          


.....itutuloy

No comments: